stress reliever
Tuesday, August 30th, 2005hello, kala niyo siguro wala akong ginagawa kaya nagpopost ako noh? of course not! alam nating lahat na ang dami dami nating kailangan gawin, kailangan tapusin. Minsan, este dapat magkaroon naman tayo ng konting pahinga. Stress reliever man lang. dahil kung hindi, magagaya kayo sa akin, baka kayo na ang susunod na okupante ng RM1034 sa Makati Mental Hospital(sosyal ako, di ako taga-Mandaluyong, taga-Makati ako hehe)
ok na yang intro na yan, ano ba ang gusto kong sabihin ngayon? bagong thoughts? hmm, siguro di muna, maglalahad lamang ako ng aking mga pangarap. (as if anybody would care, pero gusto ko eh! hehe!! pangpaalis ng stress, libre naman mangarap diba?)
sana…
magkaroon ako ng magandang trabaho pagkatapos ko mag-aral. para magkaroon ng maraming pera, para makabuo ng magandang foundation for kids, para gumanda lalo ang kinabukasan ng mundo(oo far-fetched, eh pangarap nga diba? malay mo hehe… manalo ako sa lotto hehe!! kahit di ako tumataya..)(thought: bakit di ko gawin ito sa Kaingin? wag angkinin ang kaingin, ang ibang pangarap o vision ay maaaring iangkop dito, para sa ikabubuti ng organisasyon, ngunit di maaring angkinin ang organisasyon na ito, pagyamanin ito, at kapulutan ng aral. ang pangarap, minsan, kailangan kalingain ng panahon, at sandali, hindi foundation ang kaingin, organization iyon. magkaiba ispelling nun dude hehe! joke!)(ang Kaingin ay isang socially oriented org na nagtututor sa mga bata sa urban poor communities tuwing sabado at naghahangad na humubog ng mga miyembro upang maging tunay na tao.)
balik sa SANA…
sana…
sana magkaroon ako ng sneakers para makapag rubbershoes ako kahit naka-skirt
sana maayos na ang Krisis politikal. mas marami pa tayong kailangan atupagin gaya nang sabi ni Pia pia pia Cayetano
sana may malakas na konsensya ang bawat tao.
sana hindi ako makasarili
sana hindi ako mayabang
sana may mp3 player ako at sana magamit ko siya
sana marami akong oras para maglaro ng computer
sana marunong ako magKarate
sana malakas ako sumuntok
sana marunong ako magshoot ng basketball
sana magaling ako sa volleyball
sana malaman ng mga anak na pakiramdam na di sila mahal ng magulang nila, na mahal sila ng mga ito. Hindi lang siguro nila naipapakita, hindi naman lahat ng tao magaling magpakita ng pagmamahal, hindi lahat magaling maging magulang. tao rin sila tulad mo, nagkakamali, hindi sila Diyos. may mga pagkukulang rin sila. sana unawain(understand) natin yun. Ang bottom line, mahal nila tayo. Kapag mag nagawa tayong masama, o ikinagalit nila, at di maganda ang pag-approach nila sa atin at sa problema, alalahanin(remember) na nagkasala rin tayo, at huwag kalimutan na magulang pa rin natin sila at dapat silang igalang, at irespeto. hinay hinay sa pagsagot. Huwag sana tayong makasakit ng damdamin ng iba.
sana may shades ako para kapag nagmaneho ako, eh hindi ako nasisilaw
sana lumiit na eyebags ko
sana may regalo na ako sa tatay ko
sana nakakalipad ako o kaya may powers (shwoozzhing!) parang telekenesis hehe
sana… marami magcomment dito
…. yan na muna babayoo!