After Retreat
Thursday, October 20th, 2005Tagal na bago ako nakapagsulat muli sa blog na ito. Mga bagong nangyari? hmm, nagustuhan ko yung Seattle’s java jelly!! sarap!!!! grabe! naghalloween party ako sabay Philo orals kunabukasan 730am ibang klase
ayos naman. nagretreat din sa antipolo, ang saya ! God salamat, mahal mo talaga kami.
Newsflash! tumaba na ako! at last! sabi yan ni trish at ni nolet! (dapat at least 2 para sure hehe)
Dadagdagan ko ba ang wish list ko?
1. shopping
2. footspa
3. yakap ni Ja
4. yakap ng mga mahal ko(pero bawal boys, sorry di ako sanay, except si Patrick na kapatid ko hehe)
5. nakalimutan ko kung nasabi ko na ito pero sige go lang: watch, jacket na masaya(hindi kikay)
6. ube jam!
7. choco flakes!
8. rest!
Realisasyon:
1. pinupunan ng Diyos ang mga pagkukulang natin. Kung hindi ka magaling gumuhit, subukan mong magkulay, tingnan mo, parang magaling ka na ring magaling gumuhit.
2. May talento pala ako. tulad ng pagiging kalmado kahit malapit na deadline. Salamat Karen, salamat ninna sa pagpuri.
3. ako pala ang uri ng tao na kapag pinapalakpakan(pinupuri) eh lalong lumalakas ang loob, lalong nagpapatuloy, lalong gumagaling. Parang yung mushroom o kaya flower sa super mario, pampalakas hehe at para sa power
4. hindi lang ako ang taong tulad ng sa number 3.
5. Pag di ka marunong, tutulungan ka ni God. baka may dumating na tao na tumulong sa iyo, o kaya biglang matuto ka sa nakita mo sa tv o kaya narinig mo sa kapatid mo. Pansin niyo, pagsinabing tinulungan ka ni God, laging may ibang taong gumalaw para matulunga ka? parang yung tv, may gumawa ng palabas na iyon, na napanuod at nakatulong sa iyo, mga tipong ganun. ibig sabihin…..
6. Gumagalaw ang Diyos sa pamamagitan ng tao.
7. Magmahal. Magmahal nang magmahal. Kahit mahirap. It’s better to love and get hurt than to have never loved at all. O…o….ano yang iniisip niyo? Hindi ako "in love" , at wala akong boyfriend, naisip ko lang yan. tungkol sa pagkakaibigan yan.
8. Love is understanding.