retreat March 10-12, 2006, Tagaytay
Sunday, March 12th, 2006Dati takot ako magretreat.
Kasi baka pagnakinig ako nang mabuti
may sabihin si God na hindi ko gusto
Duwag.
Pero ngayon,
nagreretreat na ako
masaya pala.
Masaya umalis sa gulo ng mundo..
manahimik…
Pumikit…
damhin ang hangin…
Sabi ng mga henyo at mga maalam na tao,
Ang kasiyahan ng tao ay nasa Diyos..
Bakit pa matatakot?
Nasa kaniya pala ang sagot…
Eh ano kung di mo gusto ang sabihin niya?
Eh kund dun ka sasaya?
Bakit tatanggihan?
Mahirap kasi tanggapin..
minsan malabo ang paningin.
‘Di makita na ang tanging kahahantungan nitong tawag,
ay para sa kasiyahan natin.
Ginawa kasi tayo para sa Kaniya.
Kaya dapat mabuhay ayon sa gusto niya.
Aba! eh ang suwerte nga naman !
Yung gusto niya, eh yung maging masaya tayo!
Walang talo diba?
Ang gusto niya ay maging masaya ka.
Sundin mo siya.. sasaya ka..
di mo na kailangan pagsalubungin ang kilay
sa kakaisip kung ano ang magpapasaya sa atin.
Makinig lang..
Lagi Siyang nangungusap
binibigay na ang sagot sa mga katanungan natin..
Kung paano tayo magiging masaya…
Kung paano tayo magiging Kaniya..
-Amen