Archive for June, 2006

Roses

Thursday, June 22nd, 2006

tungkol sa mga isda: http://alymin84.multiply.com/journal

naaamoy ko ang mabangong bouqet ng roses ng mama ko. grabe, ang bango bango! hmmm!!!!
(ako ang nagbigay sa kaniya nun, nung birthday niya hehe! at ako ata ang mas nagbebenefit dahil iniwan niya ito sa table kung saan ako nagtatrabaho araw-araw.

favorite commercial: lucky me pancit canton
announcer:"ano ang gagawin mo para makakuha ng lucky me pancit canton?"
bata: "maliligo na ako araw-araw" amuyin ang kili-kili,tingala, mata nakatingin sa taas, hands down clasped together at hinga nang malalim)
batang babae: ililigpit ko na po ang mga gamit ko… at  ang sarili ko po.

wala lang

Friday, June 2nd, 2006

miss ko na ang mga koreanovela… mga magaganda at cute na mga babae na pinag-aagawan o di kaya’y kinakainisan ng mga guwapo at mayayamang mga lalaki. meron kasing comedy, pero minsan OA, pero ok lang natutuwa pa rin ako. yung My girl pinapanuod ko ngayon.

naisip ko lang, nagsimula ako magblog dahil kay Ja, natuwa ako sa blog niya at nabigyan ako ng inspirasyon upang gumawa ng sarili kong blog. salamat Ja! sabi nga ni Bob Ong "ngayon alam niyo na kung sino ang dapat sisihin."

hmm, nagjogging ako nung isang araw, ang jogging sa pamilya namin ay nangangahulugan ng paggising ng 5am ng umaga upang pumunta sa Paraiso memorial park o di kaya’y sa subdivision sa bundok.grabe, nung gabi nun, natulog ako umaga na ata kahit humiga na ako ng 11pm. tapos nung nagising ako upang magjogging, eh pakiramdam ko kakapikit ko lang haha! magjojogging daw kami ulit bukas…

gulo pa rin ng kuwarto ko, katamad ayusin..
labs na labs ko rito sa bahay namin sa bayan ng sanmateyow,da best ang isang bahay sa tahimik na komunidad na may malaking bakuran na may maraming puno at hayop, sabay may mga ingay ng mga bata sa labas na sumisigaw ng "touch da color" at "ii-sa daala-wa tat-lo" habang nagbibilang ng text, sino kaya ang nagturo sa kanila ng madugang pagbibilang? nagulat din ako dahil ang mukha ng aking pinsan ay nasa text na rin ngayon!

favorite chichirya: boy bawang at sunshine miksd tugeder. sarap!

telenobela, telekinetic powers at ulan

Friday, June 2nd, 2006

Umulan kanina pero konti lang, habang mataas ang araw. wow grabe, ang lakas na ngayon, madilim na ang langit. medyo masaya, malamig, masarap sa tenga ang ulan.di ko alam kung paano isulat ang tunog ng ulan eh(onomatopoeia ba yun? ang tawag sa mga salita para sa mga tunog)

wish ko talaga magkaron ng telekinetic powers. mga ilang taon ko na rin yun napapanaginipan. yung tipong parang aabutin mo yung bagay tapos aangat ito at pupunta sa nais mong puntahan nito. galing. madyik!

ay isang magandang quote sa one tree hill:
peyton: Why am I even telling you all these stuff? I barely know you, you’re practically a stranger.
luke: exactly.

nice quotes from one tree hill again:
It’s hard to always be strong for others, sometimes, you have to let others be strong for you.

lesson learned: maraming makabuluhang sinasabi ang mga tauhan sa mga telenobela gaya ng one tree hill kaya kapag di ako lumilingon kapag tinatawag mo ko habang nanunuod ako ng tibi eh pasensya ka na, nakikinig kasi ako ng magagandang linya sa likod ng mga kadramahan, iyakan, sapakan at patalbugan na nangyayari sa telenobela.