Kuwentong walaan at hanapan
Monday, August 28th, 2006Noong Aug 20 nagsulat ako sa multiply blog. Ito yun :
Bumaba ako ng mrt, hindi un yung binabaan kong side dati…
Ang
haba ng pila sa exit, mga anim na metro. Nang malapit na ako, at
nag-uunahan na ang mga tao sa isang lane dahil sa 3 ang pila pero isa
nalang yung lane, dumaan si God (bilang mama na naka-backpack at
trucker cap)sabi niya "ang gpass puwde dun sa isa." Tamang tama!
kakabili ko lang ng gpass. Card kasi yung gamit nung iba, eh sira yung
machine, pero yung gpass machine ayos. (jackpot! nakalabas din ako!)
Paglabas,
hindi ko makita ang mall, umikot ako at napunta sa araneta side.
Nagtanong ako kay God alyas mister donut lady na naka baro’t saya.
"San po ang farmers?"
"Ayun o!"
"Ah… sa kabila pala"
Kakaliwa ka hindi kanan.
Pagdating
sa farmers, sinabayan ko ang tao, numipis ang tao, wala paring tanaw na
gateway bridge. Ikot ulit, this time sa farmer’s mall naman. Nakita ko
si God ulit, alyas guard. "San po yung gateway?"
"Akyat ka tapos paganun" (sabay pilipit ng kamay pakaliwa)
Ayun,
nakarating na ko ng gateway at tahimik na inintay ang sundo. Hindi ako
makikipagsiksikan sa LRT ngayon. Buti nalang naisipan ni God alyas
kapatid ko, na sunduin ako sa gateway.
Minsan
si God, sumusulpot gaya ng pagpapasaya niya sa’kin nung sumulpot si Tin
sa pag-aabang ko ng pangalawa at pangatlong tren ng mrt. Pero minsan
kailangan ding ikaw ang lumapit kay God, para magpaturo ng tamang daan.
Natututo
ako sa mga mali kong liko at diskarte pero laging nandiyan lang siya.
Nakatambay parang sekyu o kaya mister donut lady na nag-aabang sa atin
na lumapit kapag handa na tayong magpakumbaba at magtanong, o ‘di
kaya’y kapag nakita na natin ang kabilang babaan ng mrt.