Archive for September, 2006

Gusto kong magswimming sa balong malalim!

Sunday, September 3rd, 2006

Mga tanong na sasagutin ko sa blog sa susunod:
Bakit ayaw ko magMP3?

Magbibigay ba ako ng limos? Bibili ba ako ng sampaguita? O wag?

Usapang malalim:
Gusto ko magvolunteer ulit
(mala NGO hindi yung tipong
guro: sino ang gustong magvolunteer?
ako:

hindi ganun.)

Medyo naiiyak ako nung inisip ko ito habang pauwi galing trabaho. Ito
palang kasi ang nakikita kong "worthwhile" na gawin. "fulfilling".
natutuwa ako na ang iba kong mga kaibigan ay natutuwa sa mga trabaho
nila ngayon, samantalang ako, di naman sa ayaw ko ang trabaho, gusto ko
naman, pero hindi ako "fulfilled." Para kasing kulang…

Pakiramdam
ko, may silbi talaga ako kapag tumutulong sa mas nangangailangan. Hindi
ko alam kung messianic syndrome ito gaya ng sinasabi nila sa
unibersidad na meron ang mga Atenista. Hindi ko alam… pero masaya
akong gawin ito. Pakiramdam ko, "I am fully human" gaya ng sinasabi sa
philosophy, kapag nagkakawanggawa ako.

Hindi
ko rin alam kung ginagawa ito para mapataas ang tingin ng ibang tao sa
akin, o mapataas ang tingin ko sa sarili ko, o para masabi na mabait
ako, o para mapunta ako sa langit.

Pero
nakakabalisa na makakita ng kahirapan, at masakit kapag may mga
nakikita akong mga taong nawawalan na ng pag-asa, sa sariling
sitwasyon, sarili, kababayan, o bansa. Hindi dapat… Bawat isa may
kakayanang gumawa ng pagbabago. Umpisahan sa sarili. Ako, kikilos, di
kayang magsawalang bahala, di kayang mang-isnub, mandedma. Di kaya ang
mag-kebs lang sa mga bagay na’to. Masyado mabigat sa puso… Parang sa
philo, ang konseptong "The Face" ni Levinas. Sadya raw nasa tao ang
umikot ang tiyan kapag nahaharap sa isa pang tao, sa mukha ng tumatawag
sa iyong pagsagot, pagtugon.. inuudyok kang kumilos. Dahil dito,
kailangan nating tugunan ang sarili upang tumugon sa bilyon-bilyong
taong tumatawag ng pagtugon.

Pasensiya
na at mabigat ang mga entry ko ngayon, tagal ko na ring hindi
nagbblog… yan siguro ang epekto ng pagtratrabaho.. nagiging
seryoso…

ngiti
naman diyan… sabi sa Blink sulat ni Maxwell, nakaka-apekto sa emosyon
natin ang ekspresyon ng mukha natin (facial expression). Kaya ako,
kapag matagal nang nakasimangot sa kakatitig sa screen ng computer ko
sa office, ngumingiti ako at sumasaya ako.. mukha ka ngalang engot pero
it works
Try it ! Try it!

Gusto mo bang magsulat?

Sunday, September 3rd, 2006

ako: "Gusto mo bang magsulat?"
ikaw: <ilagay ang sagot mo rito>
ako: "Ako rin."

Nabasa ko sa Stainless Longganisa
na si Bob Ong ay kayang magsulat kahit madaling araw na dahil pumapasok
ang mga ideya kapag siya’y nakahiga na sa kama. Hindi ko kayang gayahin
si Bob Ong. Hindi ko kayang magsulat kapag nakahiga na ako sa kama,
gaya niya, libo-libong mga bagay din ang naiisip ko sa gabi bago
makatulog. Mga bagay tulad ng :tama ba matuwa kapag bumabagyo? Paano
yung mga taong binabaha? Mga nasisirang pananim? Mga nalulunod na
baboy, baka at pusa? Bago matulog, naiisip ko rin ang mga talento ko.
Ano ang gagawin ko sa buhay ko at ano ang isusuot kinabukasan.

Hindi
ako magaling magsulat, kahit pa ko yun nung bata ako - mga tipong
nagsusulat sa lamesa ng tindahan namin habang nagbabantay o di kaya’y
uukit ng mga guhit-guhit gamit ang lagaring binebenta. Nagsulat ako ng
mga tula at ng mga maiikling kuwento (maikli talaga kasi dalawang
pahina lang, double spaced pa).bisyo

Ewan….
sana gumaling din ako magsulat. Di ko naman kacareerin ang pagsusulat,
pero sana naman eh hindi ako olats na sulat nang sulat tapos wala
namang kabuluhan, boring at kadiri.(di ko gets bakit kadiri pero feel
ko lang ilagay)

Sa
lahat ng mga gusto magsulat, o natutuwa kapag nagsusulat, practice lang
kayo. May pakiramdam kasi akong practice makes perfect(almost) pero
basahin niyo na rin ang Stainless Longganisa ni Bob Ong, baka makakuha
kayo ng tips dahil isang ganap na manunulat na siya.
 

Sa
mga mambabasa, basa lang kayo at magbigay ng komento kung natuwa o
nalungkot, o napangitan o ano. Tingin ko, lahat ng manunulat ay nais na
maramdamang binabasa ang kanilang mga obra maestra

Sabi nang magsulat eh!

Sunday, September 3rd, 2006

Magsulat daw ako sa blog… paminsan  nalang kasi ako nakakapagsulat. Namiss ko rin

Nagpapractice
ako ngayon magblog sa cellphone. Pabilisan ng pagpindot ito.Mas mahirap
kaysa pagpindot sa keyboard. Nakaklaki ng muscle ng hinalaki.

Mga natutunan ko habang hindi nagbblog:
1.
Makinig nang mabuti sa iba. Hindi yung titingnan mo lang sa mukha yung
tao tapos tatango ka lang. Huwag ganun, nakakahilo. Hindi mo pa
malalaman kung ano ang isasagot kapag nagtanong na ang kausap.

2. Magpakumbaba. Hindi ka(alyda) mas-superyor sa iba. May kaniya-kaniyang kagalingan sa buhay ang bawat tao.

3.
Matuto. Buksan ang mata para makita ang mga leksyon ng buhay. Di mo pa
alam ang lahat. Marami ka pang di nalalaman, may igagaling ka pa.
Matuto sa iba. Kahit ang pinakatangang tao sa mundo ay may maituturo sa
iyo, tulad ng huwag kang maging tanga.

(medyo nagmura ako dun ah.. masama magsabi ng "tanga" pero minsan malakas ang dating pag may puntong ipinararating.)

OK.

OKEY.

Yan ang resulta ng blog na pilit. BOW.