Minsan
nagiging malungkot tayo… at least ako. di ko maipaliwanag pero basta
ramdam ang lungkot (sa mga baliw na hihirit, seryoso ito, ibang lungkot
yung sa inyo.. yun yung di namin maipaliwanag at kayo lang ang
nakakaintindi) Anyway, back to my story…
Ayun,
may mga araw na bad mood, o kaya nakakalungkot dahil ang boring, o kaya
nakakaiyak yung ginawa mong trabaho… Medyo napansin ko ang langit…
ang ganda… maliwanag, asul at maaliwalas tingnan.. parang walang
kaproble-problema… hinga… nakakagaan ng loob.
Kaya kapag nalulungkot ako,(sana umaga pa rin) titingin lang ako sa langit… 
("nandito lang ang lahat ng ating kailangan. Kailangan lang nating imulat ang ating mga mata ")
tanong: "Paano kung gabi ako malungkot?"

sagot1:
eh di intayin ang umaga! (pasok judy ann santos:kanta:"malayo pa ang
umagaaa.. di matanaw ang pag-asaaaaa, hanggang kailan matitiis ang
buhay sa mundoo… fade")
sagot2:
magbadminton kasama ang makukulit na ka-opisina at humalakhak habang
naglalaro. tapos mag-extend ng oras sa court treinta minuto. SOLB.
Sigurado nakangiti ka pauwi. Siguraduhin mo lang nag-unat-unat ka ng
buto bago maglaro para hindi maasim ang mukha sa kakaaray sa sakit ng
katawan kinabukasan.
haayy bakit ba ang corny ko? Huwag na kayong umangal ika nga ni pareng mark: "Blog ko ‘to"