kapag hindi ka nakikinig
Nagbabasa ako ng Vampire Chronicles ni Anne Rice…
hindi ko gets yung parte na maraming naririnig si Lestat tapos kaya niyang mag "zoom-in" sa nais niyang pakinggan.
Nagets ko ito nung natraffic ako pauwi isang gabi.
Subukan
niyo mag-earphones at makinig sa music. Tapos buksan niyo yung radyo ng
sasakyan o kaya chikahin ang driver. Ang daming naririnig!
Pagkatapos nun, piliing pakinggan ang kausap o kaya yung mga DJ sa radyo.
Humihina ang ibang ingay… astig….
Seryosong usapan: Ito ay isang eksibisyon ng paggamit ng "human will" o pagpili. Kung gugustuhin, kaya nating gawin.
Kung
maingay ang mundo… kaya nating pakinggan ang kung anumang gusto
natin.. pakinggan ang sarili.. ang Diyos… kailangan lang ng tiyaga at
practice. Hindi madali, pero kaya… superpower natin ata ito… (gusto
ko nga pala magkaron ng superpowers… ok. ! power down.. ano pa kaya
yung iba? kasi… gusto ko lumipad hehe! natawa lang ako… pero no
joke yun)
kung marami namang ingay ang buhay.. kaya nating magconcentrate sa mga mas importanteng bagay … mahirap.. pero kaya